once.in.a.while


SABI nga noong marketing slogan ng Philippine Department of Tourism, “It’s more fun in the Philippines.”

Alam ko na iyon maski noong bata pa si Sabel.

Noong mga bata pa kami nila Tonying, Tino at Juanito doon sa aming barangay Bagumbayan ay punong-puno kami ng kasiglahan.

Pag naala-ala ko, napapatawa ako sa sarili.

At bakit ba naman hindi.

Masaya na, masarappa ang mga ala-ala.

Kadalasan noon pumupunta kami sa likod-bahay ni Tata Ambo sa may karatig pook na Tangaran.

Wala pang mga kabahayan noon at panay na mga punong kahoy.

Aakyat kami ng mgapunong bayabas at panay ang pitas namin ng mgamanibalang o kaya’s mga hinog na bunga.

At dahil wala kaming sisidlan kaya naghuhubad kami ng kamiseta para gawing supot ng mga napitas.

Kapag nakita kami ni Tata Ambo, iyong may-ari ng mga halaman, ay karipas kami ng takbuhan dahil malaking itak ang hawak-hawak niya.

Kandarapa kami sa pagtakas at natatapon tuloyang mga bayabas.

Putlang-putla kami at nanginginig siyempre sa nerbiyos.

Ganoon din sa likod ng simbahan doon sa may Plaza.

Palagi kaming hinahabol ni Fr. Marquez dahil para kaming mga unggoy na umaakyat samga puno ng suha, makopa, mangga o sineguelas.

Dahil mga sakristan kami, siyempre iku-kumpisal namin ang aming mga kasalanang pang-uumit.

Pero gagawin ulit namin, dahil magaanlang naman ang parusa.

Tatlong “Our Father” at tatlong “Hail Mary.”

Pag nagsawa na kami sa mga prutas, pupunta naman kami sa mga gubat para mang-huli ng mga gagamba.

Mas gusto ko iyong mga gagamba nagaling sa puno ng sampalok, maliliit pero matatapang.

Hindi katulad noong galing sa simboryo na ang tawag namin ay gagambang-pari, malalaki nga pero duwag naman.

Tapos pag-aawayin namin ng pares-pares habang nanunulaysa isang tinting ng walis.

Gannon din ang mga langgam.

Huhukay kami ng maliit na lungga, at pag-aawayin ang dalawang langgam.

Karaniwan na nananalo iyong mgapulang langgam laban doon sa kaaway nalanggam na itim.

Naala-ala ko pa, noong mga bata pa kami, hindi problema ang ulam.

Sa likuran ng bahaynamin ay may maliit na ilog.

Puwedeng pag-languyan, dahil wala pang pollution noon.

Pagkatapos, manghuhuli kami ng isdang bulig o kapag mataas ang tubig, namimintol kami ng alimasag.

O kung minsan naman, may inihahagisna lambat-dala si Tatang pang-huli ng mga isdang kapak o talilong.

Ganoon di sa ilog Pandam.

Kuing makahuli iyong bayaw ko na si Kuya Ading.

Saku-sakongbanak na mas malaki at mas malasa pa kaysa sabangus.

Kasi noon hindi pa bawal ang pag bato sailog ng mga dinamita.

Nakakatuwa ding ipamigay doon sa mga kapit-bahay ang maraming isda.

Masipag din iyong utol ka na si Erning sa paghuli ng malalaking alimango doon sa mga tabing dagat.

At pag panahon ng tag-init, sumasabay kami kila Abet at Dolpo para manguhang mga talaba, paros at kaligay doon sa dalampasigan.

Maski hanggang ngayon, pag umuuwi kami para mag-bisita balikbayan, hinahanap-hanap koang mga paros at kaligay.

Wala na raw dahil sa mga pollution at red tides.

Sagana din kami sa saging na inani sagasak, tulad ng mga manga, mais, pakwan, singkamas, langka na bigay nila Tiyo Jesus at Kuya Jose, at kung maka-suwerte, mga karne ng baboy-damo na nabitag ni Siyahong Ciano.

Masarap talaga ang mga pagkain noon dahil mga sariwa.

Karamihan ng mga bahay noon sa aming baryo ay panay pawid at kawayan.

Hindi mosasabihing mahihirap ang mga nakatira.

Salooban ng bahay, makikita mo bawat bahay may mga diploma ng matataas na pinag-aralan sa kolehiyo.  

Hindi kalayuan sa amin ang bahay ni Cayetano Arellano, first Chief Justice of the Supreme Court.

Gayun din ang bahay ni Francisco “Balagtas” Baltazar na nakapag-asawa ng isang mayamang kababaryo.

Nagyayabang din lamang ako, babanggitin ko na rin ang aming ipinag-mamalaking Navy Commodore Quirico Evangelista, ang may akha ng opisyal na awitin ng Philippine Military Academy.

Si Tino, na kapit-bahay din namin, ang pinaka-lider ng aming barkada.

Siya ang pasimuno ng aming palaro.

Minsan isang kabilugan ng buwan naisipan niyang maglaro daw kami ng “Bong.”

Iyon bang magtatago kami sadilim.

Pag nakita ka sa taguan, sisigaw ang isa ng “Bong.”

Sabihan pa, napagod sila sa kahahanap sa akin.

Sa kalokohan ko, dumeritso ba naman ako sa bahay at tuloy higa sa pagtulog.

Kina-umagahan, nanlilisik ang mga mata sa galit sa akin.

Wala pa kaming TV set noon.

Kung hindi kami naglalaro, nakatambay kami doon sa harap ng kapit bahay namin na si Ate Candeling na todong lakas ang radio, para makinig ng programang Mga Kuwento ni Lola Basyang, Edong Mapangarap, o kaya’y Tawag ng Tanghalan.

Ang nakakatawang advertising jingle noon namay dagdag-biro ng grupo: “Darigold, masarap ang gatas ng Darigold, kaya ang gatas ng Nanay ko ang bilhin ninyo.”

Halakhakan kaming palagi.

Hindi pa uso ang high-five noon.

Nakakatuwang gunitain ang mga masasayang araw ng aming kabataan.

Pag naala-ala ko — malaking kagalakan ang nag-uumapaw sa aking puso.

Parang kahapon lamang, ika nga.

Marami sa aming mga barkada ang maagang yumao na.

Marami din ang narito sa Amerika at iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Kahit saan man sila naroroon, natitiyak ko na may kaligayahanghandog sa kanilang gunita ang mga masasayang araw ng aming kabataan.

These memoirs remind me of Barbra Streisand’s unforgettable song, “The Way We Were”:

“Memories light the corners of my mind. Misty water-colored memories; of the way we were. Scattered pictures of the smiles we left behind. Smiles we gave to one another. For the way we were...”

This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it

Add comment


Security code
Refresh

Latest comments